<xmp> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/10146701?origin\x3dhttp://sunflowerprincess.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>

Wednesday, April 20, 2005

Akala ko matatagalan pa bago ako makabalik pero hindi andito n ko. Para sa mga nagtataka kung bakit ang tagal ko ng walang isinusulat galing kc ako sa ibang mundo at sa wakas andito n ko. Madali lang pala, ganon kasimple..hahaha.. Salamat sa mga taong nagtiyaga sa pakikinig. Salamat n lamang at nakita kita ulit at dahil sa yo bumalik ako sa mundo ko.

Graduation is coming pero bakit ganon hindi ko masyado nilulook forward. Dati wala akong pakialam sa grades ko khit ano ok lang basta ba kumpleto ang tulog ko at nakakapaglakwatsa ako. Pero ngayon may bahid ng pagsisisi tuwing naiisip ko na sa lahat ng batchmates na taga BSU n ng aral sa UP ako lang yata ang hindi LAUDE. Tama nga at hindi sila engg kaya ok lang. Pero pag naiisip ko na sa mga pinsan ko n nggraduate din sa UP ako lang din ang hindi LAUDE, considering n mahihirap din naman ang course nila e nakakahiya n talaga.
Ayan malapit na ang board exam pero alam ba nila kung gaano ang pressure n nararamdaman ko sa ngayon? Dati pa ayoko n ng course n to dahil nga kay kuya lahat ng tao umaasa na mapapantayan ko sya o hihigitan ko pa pero hindi ako katulad nila masipag, matalino. Haay.. ang hirap mapabilang sa mundo ng matatalino at ikaw ang pinakabobo.

Once in my life, I met you.
Once in my life,I hang out with you.
Once in my life,I care for you.
Once in my life,I go crazy over you.
Once in my life,I argue with you.
Once in my life,I hate you.

Pauwi na sana ko nang di sinasadyang makita kita.
Masaya ka habang ako naghihimutok sa sobrang inis.
Minura kita.
Mayamaya pa nadama ko ang lagapak ng iyong kamay sa aking mukha.
Pigil ang luhang naglakad ako papalayo sa yo.
Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako tumulo ang luha sa aking mga mata.
Kainis..grrr...
Pero salamat n lang dahil dati hindi ko naramdaman ang sakit ngayon damang dama ko ko na.
Nang araw ding iyon pinangako ko n iyon na ang huling beses na iiyak at masasaktan ako dahil sa yo.

Tuesday, April 05, 2005

Someone asked me, "Oi anong feeling ng graduating?".
Ewan kung ano isinagot ko sa kanya.
Hindi ko n matandaan.
Ngayon naalala ko ulit ang tanong nya.
At ngayong sigurado na akong gagraduate.
Eto at naisip ko n.
Mixed emotions e, masaya dahil s wakas ay natapos n din pero nakakapressure dahil na "real world" na ko.
Yung tipong dapat kontrolado ko na ang buhay ko, may sariling desisyon.
Madami na ngang nagtatanong kung anong plans ko.
Pero sa totoo lang hindi pa ko sigurado.
Ngayon ko pa lang iisipin after ko malaman n pasado ako sa ES 21.
Naniniwala kc ako na I shoud take 1 step at a time.
Kaya bago ko mag isip para sa plano after grad dapat alam ko muna kung gagraduate ako.
Tama nman yun d b?
Pero ang totoong mamimiss ko sa college life ay ang mga taong nakilala ko, blockmates, acquaintances, orgmates and profs.
Special mention syempre yung mga friendly friends ko, c hanna, maan, ariel, ever, lloyd at norman.
Ang mga orgmates ko na kahit sandaling panahon lang kami nagkasama ay naging masaya nman ako c hazel, mandie, at jeric.
Ano ba ito namamaaalam? malapit na ba ko mamatay?
Hindi. Wag naman sana marami pa kong pangarap.
One thing I am sure kahit hindi ko man sila makita I will always remember and treasure those memories that we have shared. ( drama ko n)
Tiyak na mamimiss ko din ang crammings lalo pag may deadlines at exams..hahaha..
Pero ano nga ba talaga ang naghihintay sa kin after grad?
Ewan, hindi ko pa alam.
Wala pa din ako plano pag iisipan ko muna.

Ang dating magandang panaginip ay naging isang bangungot.
Tama, dapat na nga akong gumising.
Ang pangarap kong paraiso ay naging impiyerno.
Tama, dapat na nga akong bumalik sa aking mundo.
My friend told me,
" It's not all about moving on, it's moving on and going somewhere else."
Tama naman sya pero hindi yun ganon kadali.
Konting panahon n lang naman.

~IntrO~

Name: Sunflower Princess
Location: Philippines
School: UP Diliman

~ArchiveS~

January 2005February 2005March 2005April 2005May 2005July 2005August 2005December 2005March 2006June 2006August 2006November 2006December 2006January 2007February 2007March 2007April 2007May 2007June 2007July 2007October 2007November 2007December 2007June 2008October 2008

~BloggerS~

ariel
hijackmaster
hannalee
lilintian
korn_chip_girl
hari ng sablay
nezelle
thorpe
great artist

~TagboarD~

~LinkS~

Friendster
UP Webmail
Yahoo

~CreditS~

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Skin name: Retreat II
Picture by: Gettyimages
Layout by: Mamafai

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com